Home ENTERTAINMENT Jinggoy, na-bad trip sa mga inakusahan ni Sandro!

Jinggoy, na-bad trip sa mga inakusahan ni Sandro!

Manila, Philippines – Nagpamalas sa ikalawang pagkakataon nang pagka-bad trip si Senator Jinggoy Estrada sa isinagawang hearing kaugnay ng kasong sangkot si Sandro Muhlach laban sa kanyang mga inakusahang nang-rape umano sa kanya.

Mahahalatang naubos na ang pasensya ni Estrada sa pagsisinungaling ni Jojo Nones.

Pinangunahan nila ni Senator Robin Padilla ang pagdinig nitong August 19, Lunes.

Matatandaang nang unang magkaroon ng hearing ay hindi nakasipot sina Nones at Richard Cruz.

Sa halip ay nagpadala na lang sila ng liham, na kagyat na pinunit ni Estrada para i-subpoena ang mga ito para dumalo sa susunod na pagdinig.

Nitong Lunes, hindi na nakuhang magtimpi ni Estrada dahil sa pagsisinungaling ni Nones bilang sagot sa kanyang tanong.

Nais malaman ng mambabatas–batay sa hawak niyang dokumento ng pagtanggi mula kay Atty. Anette Gozon-Valdes–kung nag-offer nga ba ito ng charitable institution kay NiƱo Muhlach, ama ni Sandro, of their choice bilang settlement sa kaso.

Obyus na hindi kumbinsido si Estrada sa sagot ni Nones na tinawag niyang sinungaling.

Inakusahan pa ni Estrada si Nones of “putting words into his mouth.”

Kalauna’y ipinag-utos ni Estrada na i-cite in contempt si Nones.

Ipinatawag niya ang sergeant-at-arms ng Senado para dalhin at ikulong si Nones sa detention cell.

Dahil walang mosyon o apela, kinatigan ‘yon ni Padilla who even asked Nones kung aware ba ito na maaari siyang ma-cite in contempt.

Mahinahon namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Nones na sinamahan pa ng isa niyang abogado.

Iginiit ni Estrada na kahit matagal na raw siya sa showbiz ay hindi niya kilala si Nones. Ronnie Carrasco III