Home METRO 43°C heat index, ibinabala sa Calapan City

43°C heat index, ibinabala sa Calapan City

121
0

ORIENTAL MINDORO, Philippines – Nagbabala ang City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa mga residente ng Calapan City sa matinding init matapos umabot sa 43°C ang heat index sa lungsod nitong Huwebes.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 42°C noong nakaraang araw.

Sa advisory na inilabas ng alas-11 ng umaga, sinabi ng CDRRMD na ang heat index na naitala sa Calapan City Public Market monitoring station ay nasa “danger” level.

Sa ganitong antas, maaaring magdulot ang matagal na exposure sa init ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke, lalo na sa mga bata, matatanda, at may iniindang sakit.

Hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na uminom ng maraming tubig, umiwas sa direktang sikat ng araw mula 10 a.m. hanggang 4 p.m., at magsuot ng presko at magaan na damit.

Pinayuhan din ang mga residente na limitahan ang mabibigat na outdoor activities sa matinding init at agad magpakonsulta kung makaranas ng sintomas ng heat-related illnesses. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here