Home NATIONWIDE 4,500 cubic meters ng kanal sa MM, nalinis ng DPWH para iwas-baha

4,500 cubic meters ng kanal sa MM, nalinis ng DPWH para iwas-baha

152
0

MANILA, Philippines – Mahigit 4,500 cubic meters ng drainage sa Metro Manila ang nalinis na ng Department of Public Works and Highways–National Capital Region (DPWH-NCR) bilang bahagi ng patuloy na hakbang laban sa pagbaha.

Ayon sa ahensya, hanggang ikatlong linggo ng Marso, umabot na sa 99.5 porsyento o 4,584.47 cubic meters ng drainage sa 48 lokasyon ang nadeclog. Samantala, 15.95 porsyento o 28,008.28 cubic meters ng mga daluyan ng tubig sa 31 lugar ang naisailalim sa desilting.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang paglilinis ng estero, dredging at pag-aalis ng mga naipong basura, declogging ng drainage lines at inlets, at desilting ng mga waterways upang mapabuti ang daloy ng tubig.

Isinasagawa ang mga aktibidad na ito sa ilalim ng programang “Oplan Kontra Baha,” alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang maayos na daloy ng tubig sa mga pangunahing kalsada at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa Metro Manila.

Isinasagawa ito lingguhan upang mapanatiling ligtas ang mga komunidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here