Home NATIONWIDE 46 degrees Celsius heat index naitala sa Guiuan, Eastern Samar

46 degrees Celsius heat index naitala sa Guiuan, Eastern Samar

MANILA, Philippines – Naitala ng PAGASA ng heat index na 46 degrees Celsius sa Guiuan, Eastern Samar nitong Martes, Abril 2.

Ayon sa ahensya, ang heat index ay “measure of the contribution that high humidity makes with abnormally high temperatures in reducing the body’s ability to cool itself.”

Nasa ilalim ng danger category ang heat index na mula 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.

Samantala, nakapagtala rin ng “danger” level na heat index noong Biyernes sa Catarman, Northern Samar at Cotabato City at 42ºC.

Mula pa noong Marso 29 ay lagi nang nakakapagtala ng dangerous level heat index ang Catarman. RNT/JGC

Previous articleSarah, nagsalita na sa afam sa HK!
Next articleTaiwan niyanig ng M-7.5 na lindol