Home ENTERTAINMENT Sarah, nagsalita na sa afam sa HK!

Sarah, nagsalita na sa afam sa HK!

Manila, Philippines- Sarah Lahbati is back on her toes.

Back in circulation nga ang Starstruck alumna dahil may aabangan siyang show sa TV5.

Airing after Eat Bulaga, it’s a TV adaptation of one of direk Carlo J. Caparas’ classic films.

Timing na timing naman ang mediacon nito as Sarah needed to shed light on the issue kung saan spotted siya sa isang resto sa Hongkong.

Mula sa online program nina Ogie Diaz ang balita particularly from a fan who happened to be seated at the table near Sarah’s.

Nakunan ng larawan si Sarah with a male companion na mukhang foreigner.

Instantly, speculations ran wild na baka ‘yun daw ang bagong manliligaw ni Sarah.

Matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ni Sarah na she’s single.

News is all over na hiwalay na sila ni Richard Gutierrez.

When cornered at the mediacon, hindi itinanggi ni Sarah that she was with a foreigner companion.

Friend lang daw niya ito.

To top it all, Sarah sees nothing wrong with being seen in the company of male friends.

Aniya: “I’m single. Is it bothering me? No! There’s a lot more that can bother me now!”

Nilinaw rin ni Sarah ang pakay niya sa pagpunta sa Hongkong.

“I want to experience art, that’s why I like traveling the world. I was with friends in Hongkong. Again, there’s no issue there since I’m single!”

Pero kung lilimiin, parang sumobra yata sa pagiging timing ang series of events.

Parang sinadyang ewan ‘yung Hongkong sighting sa kanya with a foreign guy para magamit sa mediacon ng kanyang bagong show! Ronnie Carrasco III

Previous articleMahigit 100 manok patay sa init ng panahon sa GenSan
Next article46 degrees Celsius heat index naitala sa Guiuan, Eastern Samar