Home NATIONWIDE 46 Muslim PDL pinalaya sa panahon ng Ramadan

46 Muslim PDL pinalaya sa panahon ng Ramadan

MANILA, Philippines- Nasa 46 Muslim na persons deprived of loberty (PDL) ang napalaya nang magsimula ang Ramadan ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa kanyang pulong kay Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarin Centi Tilla sa BuCor headquarters sa Muntinlupa.

Ayon sa BuCor, kabilang sa mga napalaya ang 20 Muslim na nagpaso na ang sentensya, 12 na napawalang-sala, lima na nabigyan ng good conduct time allowance (GCTA), lima pa na nabigyan ng probation at apat na napagkalooban ng parole.

Posible pa aniya ito madagdagan matapos irekomenda ng Board of Pardons and Parole na mabigyan ng Executive Clemency ang 23 Muslim PDLs.

Mula nang mag-umpisa ang Marcos administration may kabuuang 754 Muslim PDLs ang napalaya na.

Sa datos ng BuCor, mayroong 3,014 Muslim PDLs mula sa iba’t ibang OPPF (operating prisons and penal farms). Ito ay 5.69 porsyento ng kabuuang 52,950 PDL sa pangangalaga ng BuCor. Teresa Tavares