Home HOME BANNER STORY 46% ng pamilyang Pinoy nakaramdam ng hirap – sarbey

46% ng pamilyang Pinoy nakaramdam ng hirap – sarbey

MANILA, Philippines- Halos kalahati ng mga pamilyangh Pilipino ang naramdamang mahirap sila, ayon sa Social Weather Stations survey na inilabas nitong Martes.

Lumabas sa March 21-25 poll na isinagawa ng SWS na 46 porsyento ng pamilyang Pinoy ang nagsabing mahirap sila. Katumbas ito ng 13 milyong pamilya, base sa SWS.

“Compared to December 2023, the percentage of Poor families hardly changed from 47 percent,” base sa pollster. 

Pinakamataas ang self-rated poverty sa Visayas sa 64 porsyento, sinundan ng Mindanao sa 56 porsyento, Luzon areas sa labas ng capital region sa 38 porsyento, at Metro Manila sa 33 porsyento. 

Samantala, 30 porsyento ng mga pamilya ang nagsabing sila ay borderline poor, habang 23 porsyento ang nagsabing hindi sila mahirap.

“As of March 2024, the percentage of Self-Rated Food-Poor families was highest in the Visayas at 46 percent, followed by Mindanao at 44%, Metro Manila at 28 percent, and Balance Luzon at 24 percent,” anang SWS.

Gumamit ang SWS poll ng face-to-face interviews sa 1,500 adults. Mayroon itong sampling error margin na ±2.5 porsyento para sa national percentages. RNT/SA