Home NATIONWIDE 4,784 stranded kay Super Typhoon Pepito – PCG

4,784 stranded kay Super Typhoon Pepito – PCG

MANILA, Philippines- Mahigit 4,700 pasahero ang stranded sa masamang panahon dulot ni Super Typhoon Pepito, ayon sa Philippine Coast Guard nitong Linggo ng umaga.

Sa Maritime Safety Advisory nitong Linggo, tinukoy ng Coast Guard ang mga apektadong lugar kabilang ang Southern Tagalog, Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas at Western Visayas.

Stranded sa iba’t ibang pantalan ang kabuuang 4,784 pasahero drivers, 27 vessels, walong motorbancas at 1,940 rolling cargoes.

Hindi rin muna pumalaot ang 314 sea vessels at 218 motorbancas. RNT/SA