Home METRO 4 dam sa Luzon binuksan

4 dam sa Luzon binuksan

MANILA, Philippines- Binuksan ang gate ng ilang dam sa Luzon nitong Linggo ng umaga upang magpakawala ng tubig bago ang malakas na pag-ulan mula kay Super Typhoon Pepito (international name: Man-Yi).

Kabilang dito ang Ambuklao, Binga, San Roque, at Magat.

Bukas ang apat na gate ng Ambuklao Dam sa Benguet. Ang water level sa reservoir nito ay 750.42 metro nitong Linggo ng umaga, na malapit na sa 752-meter spilling level.

Bukas din ang apat na gate ng Binga Dam sa Benguet na may water level na 572.29 metro nitong Linggo ng umaga, na ilang metro na lamang mula sa 575-meter spilling level.

Samantala, dalawang gate ng San Roque Dam ang binuksan.

Ang lebel naman ng tubig sa reservoir ng Magat Dam ay 181.93 metro na malapit na sa 193-meter spilling level.

Inaasahang magdudulot si Pepitong heavy to intense rains (100-200 mm) sa Benguet, Pangasinan, at iba pang lugar ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa southern portion ng Isabela, Pangasinan, Benguet, at Ifugao, ayon sa PAGASA. RNT/SA