MANILA, Philippines- Maaaring gumarahe nang libre ang mga motorista na maaapektuhan ng Super Typhoon Pepito (international name: Man-Yi) sa ilang mall sa Metro Manila ngayong Linggo.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lahat ng mall ng SM, Ayala at Robinsons sa Metro Manila ay mag-aalok ng libreng overnight parking dahil posibleng bumaha sa kalsada dulot ng malakas na pag-ulan mula kay Pepito.
“Ang lahat ng malls ng SM, Ayala, at Robinson’s sa Metro Manila ay papayagan ang libreng overnight parking para sa mga sasakyan sa gitna ng inaasahang pagbaha sa iba’t-ibang parte ng Kamaynilaan dahil sa matinding ulan na hatid ng bagyong #Pepito,” anang MMDA.
“Nagpapasalamat ang pamahalaan sa mga mall operators sa malasakit sa ating mga kababayan at sa agaran nitong tugon sa panawagan para sa tulong,” dagdag nito.
Isinailalim ang Metro Manila sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 kaninang alas-5 ng umaga, ayon sa PAGASA. RNT/SA