Home ENTERTAINMENT Sahara Bernales, suportado ang ‘trip’ ng trans na tatay!

Sahara Bernales, suportado ang ‘trip’ ng trans na tatay!

Manila, Philippines- Sa mediacon ng Vivamax movie na Maryang Palad ay pinag-usapan ang revelation ng bida na si Sahara Bernales.

Ayon kay Sahara ay transgender ang kanyang tatay.

‘Lawrence’ daw ang tawag ng marami sa kanyang tatay pero Romeo ang real name nito.

“Nu’ng bata pa ako, tinutukso ako dahil trans nga ang tatay ko pero si papa, pag nalaman niya na tinutukso ako, susugod talaga ‘yun sa school.

“Sobrang protective ang father ko sa akin,” sabi ni Sahara.

Nagsasama pa rin naman daw ang kanyang tatay na teans at ang kanyang nanay, na ida namang lesbian.

Teka, pinapanood ba ng kanyang tatay ang kanyang mga sexy movie sa Vivamax!

“Yea. Pero hindi ako sure kung ako ang pinapanood niya, baka yung partner ko,” pag-joke pa ni Sahara.

“Para lasi kaming magbarkada ng tatay ko, kapag may pogi na dumadaan, nagkikindatan kami,” dagdag ni Sahara.

Banggit naman ni Sahara na may limitation siya sa love scenes.

“Puwede akong hawakan sa side, wag lang ako hahawakan sa nipples at sa private part sa baba. Ayoko rin ng dila sa dila sa lips to lips. Dapat dampi dampi lang,” kwento niya.

Kasama rin ni Sahara sa napaka-daring na movie na Maryang Palad sina Jen Milton, Mark Dionisio  at Vince Rillon. Ito at directed by Rodante Pajemna.

Streaming na ang Maryang Palad sa Vivamax. JP Ignacio