Home METRO 48-anyos na misis utas sa suwag ng motorsiklo

48-anyos na misis utas sa suwag ng motorsiklo

125
0

PANGASINAN- Kamatayan ang sinapit ng isang 48-anyos na misis matapos na aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo sa national highway sa Brgy. Tara, Bolinao ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa Balinao MPS, ang pedestrian ay residente ng naturang lugar samantalang ang 25-anyos na lalaki na driver ng Honda ADV motorcycle na aksidenteng nakabangga sa kanya ay residente naman ng Anda, Pangasinan.

Bumibiyahe papuntang silangan direksyon ang motorsiklo nang bigla umanong tumawid sa kalsada ang pedestrian.

Hindi nagawang umiwas ng driver ng motorsiklo kaya nabangga nito ang pedestrian.

Dahil dito, ang motorsiklo at pedestrian ay parehong bumagsak o natumba sa kalsada.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang  parte ng katawan ang driver at pedestrian na agad na isinugod sa ospital.

Gayunman, ang pedestrian ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here