Home HOME BANNER STORY 49 foreign workers patay sa nasunog na gusali sa Kuwait

49 foreign workers patay sa nasunog na gusali sa Kuwait

Vehicles are parked next to a building damaged following a deadly fire, in Mangaf, southern Kuwait, June 12, 2024. REUTERS/Stringer

KUWAIT – Umakyat na sa 49 ang bilang ng mga dayuhang manggagawa na nasawi sa sunog sa isang gusali sa Kuwait nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Ayon sa deputy prime minister ng Kuwait, may iba’t ibang paglabag ang may-ari ng gusali na nagpatindi sa isnidente.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang nasyonalidad ng mga nasawi.

Sa isang ospital, mahigit 30 Indian citizens ang dinala rito, ayon sa pahayag ng embahada ng naturang bansa. Nasa 47 manggagawa pa ang ginagamot sa ibang mga ospital.

Sa liham ni Kerala chief minister Pinarayi Vijayan sa foreign minister ng India, ang ilan sa mga nasawi sa sunog na Indian ay mula sa southern state ng Kerala.

Sa pagbisita sa pinangyarihan ng sunog, sinabi ni Deputy Prime Minister Sheikh Fahad Yusuf Saud Al-Sabah na “the greed of real estate owners is what leads to these matters.”

Hindi pa malinaw kung ano-ano ang mga naging paglabag ng gusali.

Ang sunog sa gusali sa Mangaf, malapit sa capital na Kuwait City, ay iniulat sa mga awtoridad bandang alas-6 ng umaga. RNT/JGC