Home NATIONWIDE 4K ex-MILF, MNLF fighters inayudahan ng DSWD sa 2024

4K ex-MILF, MNLF fighters inayudahan ng DSWD sa 2024

440
0

MANILA, Philippines – Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy na tumutulong sa mga dating miyembro ng iba’t ibang non-state groups, violent extremist groups, at matatanda at bata sa mga sitwasyon ng armadong labanan sa buong bansa, sinabi ng isang senior na opisyal ng ahensya noong Lunes.

“Sa taong ito lamang, nagbigay tayo ng cash assistance at family food packs (FFPs) sa mahigit 4,000 dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) mula sa mga lalawigan ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte,” sabi ni Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns (ISPSC) Alan Tanjusay sa isang news release.

Aniya, 77,089 decommissioned combatants at kanilang mga pamilya ang nasuri din ng DSWD at sumailalim sa cross-matching para matukoy ang kanilang eligibility para sa Social Pension para sa mga mahihirap na senior citizen at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa DSWD nakipagtulungan din ang ahensya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para magbigay ng skills training sa mga dating mandirigma.

“Bukod dito, gusto naming tulungan ang mga dating mandirigma na bumuo ng mga bagong kasanayan at makakuha ng mga sertipikasyon sa pagsasanay. Kaya naman nakipag-coordinate kami sa TESDA para makapag-offer sila ng vocational training para sa kanila,” ani Tanjusay.

Aniya, ang mga dating kombatant mula sa South Cotabato, Sultan Kudarat at North Cotabato ay tumanggap ng pagsasanay para sa pagmamason, massage therapy, electrical installation, dressmaking at organic agriculture.

Ang ahensya ay nagsagawa ng katulad na validation at assessments para sa shelter assistance sa Camp Abubakar sa Maguindanao del Sur, at Camp Bilal sa Monai, Lanao del Norte sa kahilingan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here