Home NATIONWIDE Half-cup rice serving isinusulong ng DA vs pag-aaksaya ng bigas

Half-cup rice serving isinusulong ng DA vs pag-aaksaya ng bigas

179
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) nitong Lunes sa mga mambabatas na muling magtrabaho sa pag-institutionalize ng pagkakaroon ng half-cup rice options sa mga food establishments upang matugunan ang pag-aaksaya.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) ito ay matapos ang 340,000 metric tons (MT) ng milled rice waste na naiulat mula 2018 hanggang 2019, bumaba sa 255,000 MT noong Nobyembre, ayon sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) at ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

“Gustong i-revive ni Secretary (Francisco Tiu Laurel Jr.) iyong bill na ma-offer ‘yung half rice. Matandaan natin ang mga nakaraang may-akda nito sa Congress, sa 16th Congress, si President (Ferdinand R.) Marcos Jr., noong senator siya. .

Nabatid na ang naiulat na data sa pag-aaksaya ng bigas ay maaaring matugunan ang pangangailangan ng 2.79 milyong Pilipino sa isang taon, kung isasaalang-alang ang humigit-kumulang 37,000 MT ng daily milled rice requirement, ayon sa PhilRice.

Kaugnay nito sinabi ni De Mesa na ang mga Pilipinong gustong mag-half-cup rice “for whatever reason” ay hindi dapat obligadong kumain ng isang buong tasa ng bigas sa mga food establishments.

Sa ngayon, tatlong mambabatas ang nag-lobby para sa muling pagbuhay sa half-cup rice bill — Quezon 4th District Rep. Keith Micah Tan, AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin.

Bukod sa pagpupursige para sa half-cup rice option, sinabi ni De Mesa na ang mga Pilipino ay makaka-access ng mga alternatibong carbohydrates tulad ng kamote at mais.

Samantala habang naghihintay na maipasa ang panukalang batas, sinabi ni PhilRice Development and Communication Division head Hazel Beltran na hiniling nila kay Pangulong Marcos ang pagpapalabas ng executive order (EO) para gawing available ang half-cup rice option sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa buong bansa. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here