Home NATIONWIDE 4Ps, higit pa sa cash aid — DSWD

4Ps, higit pa sa cash aid — DSWD

312
0

MANILA, Philippines – Higit pa sa pagbibigay ng cash grants ang layunin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil tinuturuan din nito ang mga mahihirap na pamilya ng kaalaman at kasanayan upang putulin ang poverty cycle, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, layon ng programa na isulong ang “social behavioral change” sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa edukasyon, kalusugan at pakikilahok sa mga gawain para sa kaunlaran ng bansa, kabilang na ang digitalization.

Kabilang sa mga pangunahing kasangkapan ng programa ang Family Development Sessions (FDS) kung saan tinuturuan ang mga benepisyaryo ng responsible parenting, kalusugan at nutrisyon, disaster preparedness, values formation, financial literacy, at paggamit ng digital technology.

Ibinibigay ang cash grants kapalit ng pagsunod sa mga kondisyon tulad ng regular na health check-up, pagpasok sa paaralan, at pagdalo sa FDS.

Sa loob ng 17 taon, mahigit 1.4 milyong pamilya na ang nakalabas sa programa matapos umangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Tinatayang 1.3 milyong pamilya pa ang lalabas sa 4Ps sa susunod na taon matapos ang pitong taong partisipasyon, alinsunod sa Republic Act 11310.

Gayunman, isinusulong ng DSWD ang amyenda sa batas upang gawing “needs-based” ang paglabas sa programa batay sa aktuwal na kalagayan ng pamilya at hindi sa takdang panahon.

“Marami na tayong mga 4Ps beneficiaries na nakapagtapos at nakakaambag na sa pagpapaunlad ng ating lipunan. Sila ang nagpapatunay na puwede talagang umahon mula sa kahirapan,” ani Dumlao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here