Home NATIONWIDE 38 biktima ng human trafficking nasagip; 3 recruiter tiklo sa Zamboanga

38 biktima ng human trafficking nasagip; 3 recruiter tiklo sa Zamboanga

257
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang 38 indibidwal kabilang ang apat na menor de edad kasabay ng pagkakaaresto ng tatlong hinihinalang illegal recruiter sa isang anti-human trafficking operation nitong Biyernes, Agosto 8.

Sinabi ng Zamboanga City Maritime Police Station nitong Sabado na ang mga biktima ay nasagip bandang 9:30 ng gabi sakay ng isang wooden-hulled ferry ML J-Sayang, na nakadaong sa pribadong wharf sa Barangay Baliwasan.

Ang barko ay iniulat na patungog Taganak Island (Turtle Islands).

Sa operasyon ay naaresto ang tatlong hinihinalang recruiter habang sinusubukang makihalo sa mga biktima.

Ayon sa inter-agency Zamboanga City Sea-Based Anti-Trafficking Task Force (ZCSBATTF), ang mga biktima, karamihan ay inakit ng mga pekeng pangako ng trabaho sa China at Malaysia, ay naharang ng immigration authorities.

Sa kabila nito, sila ay ibiniyahe sa ibang mga ruta na isang pagsubok umano sa paglaban sa human trafficking.

“Investigation is ongoing to determine those possibly behind the illegal activity,” ayon sa ZCSBATTF.

Ang mga nasagip ay dinala sa Processing Center for Displaced Persons ng Department of Social Welfare and Development sa Barangay Mampang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here