MANILA, Philippines – Nakumpiska ang aabot sa P1.36 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig City.
Kasabay ito ng pagkakaaresto sa isang criminology student, e-bike driver at isa pang suspek.
Naganap ang operasyon sa isang hotel sa Manuel L. Quezon Road sa Barangay New Lower Bicutan nitong Biyernes ng gabi, Agosto 8, ayon sa pahayag ng Southern Police District (SPD).
Tinukoy ng pulisya ang mga suspek na sina “Jhon Carlo,” 21-year-old criminology student; “Tol,” 21-anyos na lalaki at walang trabaho; at “Arnold,” isang 40-year-old e-bike driver.
“Recovered from Tol was 100 grams of suspected shabu, buy-bust money, and an Android phone, while confiscated from John Carlo and Arnold was 50 grams each,” sinabi pa ng SPD.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 or the Dangerous Drugs Act. RNT/JGC