Home METRO 5-anyos utas sa sunog sa tubuhan

5-anyos utas sa sunog sa tubuhan

198
0

BACOLOD CITY – Patay ang limang taong gulang na bata sa sunog na sumiklab sa bahagi ng tatlong ektarya na taniman ng tubo sa Sitio Mambato, Barangay Tu-oy, Himamaylan City, Negros Occidental noong Martes, Nob. 26.

Sinabi ni Fire Officer 1 Michael Bernardo, imbestigador ng Himamaylan City Fire Station, bandang alas-2:20 ng hapon nang naiulat ang sunog.

Sinabi ni Bernardo na nagtamo ang biktima ng second degree burns. Dinala ang biktima sa isang ospital dito kung saan idineklara itong patay.

Tinatayang nasa P300,000 ang pinsala ng sunog at naapula alas-4:24 ng hapon. Walang ibang mga istruktura ang kasangkot.

Sinabi ni Bernardo na iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. Hindi pa malinaw kung bakit nasa lugar ang biktima habang naganap ang sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here