MANILA, Philippines – Binuwag ng mga awtoridad ang isang drug den at inaresto ang limang suspek sa operasyon noong Biyernes, Hunyo 19 sa Sitio Koongan, Barangay Tubig Putih, Luuk, Sulu.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Sulu Provincial Office, kasama ang iba pang unit sa lugar, ay naaresto nila sina
alyas “Osri,” 42; alias “Adz,” 36; alias “Ron,” 51; alias “Oshin,” 50; at alias “Munib,” 50 na pawang mga residente ng Sulu.
Nasabat sa operasyon ang 65 gramo ng hinihinalang shabu kabilang ang isang sachet na tumitimbang ng 50 gramo, at 12 maliliit na sachet na tumitimbang ng 15 gramo.
Tinatayang aabot sa P442,000 ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga.
Narekober din sa operasyon ang digital weighing scales, improvised drug paraphernalia, mobile phones, handheld radios, assorted packaging materials, buy-bust money, at dalawang caliber .45 pistols na may magazine at live ammunition. RNT/JGC