Home METRO 5 arestado sa ilegal notarization sa Maynila

5 arestado sa ilegal notarization sa Maynila

84
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang limang katao sa Manila dahil sa umano’y ilegal na notarization ng mga dokumento, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga suspek na haharap sa kasong falsification of public documents, possession of instruments for falsification, at attempted estafa.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang lehitimong notary public na nagsabing ginagamit ang kanyang notarial stamp at seal nang walang pahintulot. Siya rin ang tumulong sa NBI upang matunton ang mga suspek sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Ayon sa Rules on Notarial Practice, tanging mga abogado na may komisyon mula sa hukom ng Regional Trial Court sa isang partikular na lugar ang maaaring mag-notaryo.

Nagbabala rin ang Supreme Court of the Philippines laban sa pagdami ng mga pekeng notary public.

Binigyang-diin ng SC na ang notarization ay hindi basta pormalidad lamang kundi may mahalagang papel sa publiko, dahil ang mga notarized na dokumento ay tinatanggap bilang ebidensya nang hindi na kailangan ng karagdagang patunay sa pagiging tunay nito.

“Full faith and credit are accorded to a notarized document. Courts, administrative agencies, and the public rely upon the acknowledgment executed by a notary public,” ayon sa SC.

Dagdag pa nito, ang mga notary public ay obligadong sumunod nang mahigpit sa mga alituntunin, at ang paglabag dito ay maaaring magresulta sa pagbawi ng kanilang komisyon at iba pang parusa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here