Home METRO 5 bayan sa Mindoro nasa gitna ng delubyo sa El Niño

5 bayan sa Mindoro nasa gitna ng delubyo sa El Niño

MANILA, Philippines – Umabot na sa limang bayan sa Oriental at Occidental Mindoro ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño sa mga sakahan ng mais, palay, sibuyas at iba pang high value crops.

Sa Oriental Mindoro, nagdeklara na rin ng state of calamity  ang bayan ng Mansalay kung saan umabot na sa P400 milyon ang halaga ng pinsala sa mga pananim.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang katabing bayan ng Bulalacao.

Habang nagdeklara ng state of calamity ang tatlong bayan sa Occidental Mindoro, kabilang ang Magsaysay, San Jose at Looc.

Umaabot na sa P196 milyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa buong probinsya ng Occidental Mindoro habang nasa P30 miyon naman ang pinsala ng pesteng harabas or army worm, ayon kay Engr. Alrizza Zubiri, provincial agriculture officer. Santi Celario