Home ENTERTAINMENT 5 beauty queen, cover ng October issue ng Vogue mag!

5 beauty queen, cover ng October issue ng Vogue mag!

Manila, Philippines – Magbigay-pugay tayo sa mga reyna!

Such is the honor deservingly bestowed upon sa limang beauty queen ng bansa ng Vogue

Magazine sa kanilang isyu ngayong October.

Makikita sa cover o pabalat sina Catriona Gray, Michelle Dee, Megan Young, R’Bonney Gabriel at Melanie Marquez.

Nakasuot sila ng black tuxedo mula sa mga high fashion brand at magkahawak-bisig.

Bilang pagbabalik-tanaw, si Catriona ang kinoronahang Miss Universe 2018, our third MU title.

Si Megan ang Miss World 2013 at unang Filipina na nakapag-uwi ng korona.

Si R’Bonney naman ang Filipino-American na kinatawan ng Amerika to be crowned Miss Universe 2022.

Si Michelle ang tinanghal na Miss Universe Philippines this year na kakatawan sa bansa sa MU na gaganapin sa El Salvador sa November.

Ang ina naman niyang si Melanie ay 1979 Miss International.

Sa halip na magkaroon ng panayam sa kanila ay tinalakay nila sa Crown Conversation ang significant changes sa mga beauty pageants

throughout the years.

Hindi kasama ng limang beauty queens si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Habang sinusulat ito, um-attend ng Paris Fashion Week si Pia. Ronnie Carrasco III