Home HOME BANNER STORY 5 bungo ng tao nadiskubre sa San Jose del Monte, Bulacan

5 bungo ng tao nadiskubre sa San Jose del Monte, Bulacan

260
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga awtoridad ang limang bungo ng tao na natagpuang nakasilid sa kahon na binalutan ng plastik ng basura sa gilid ng Liana Road, Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte City, Bulacan noong Hulyo 13.

Ayon sa pulisya, nakita ng caretaker ng lote ang kahon na kalaunan ay nadiskubreng may mga lamang bungo na agad naman niyang inireport sa mga awtoridad.

“Habang bibili sana siya ng pagkain, nakita niya may box kasi caretaker po itong nakakita, nung chineck niya po yung box doon niya po nadiskubre na yung laman po is puro bungo,” pahayag ni Police Corporal Ryand Paul Antimaro, investigator-on-case ng SJDM City Police sa panayam ng GMA News.

Dagdag pa, wala nang ngipin ang mga bungo na nadiskubre at nakabalot pa ng packaging tape. Tanggal din umano ang panga ng mga ito.

May nakasulat pang numero sa isa sa apat na bungo.

“Yung apat na bungo parang ano naman siya kumbaga malinis wala naman siyang tama yung isa lang parang may basag sa may parteng sentido, hindi natin alam kung ano ba ang ano dun, o tama ba ng baril o ano hindi po natin masabi,” dagdag pa ni Antimaro.

Dinala na ang mga nadiskubreng bungo sa Camp Crame na isinasailalim sa anthropological, odontological, at DNA examination.

Sa kasalukuyan ay wala pang lumalapit na kaanak upang ipasuri ang labi ng mga ito.

Nagsagawa na rin ng backtracking upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nag-iwan ng bungo.

Hindi pa masabi ng SJDM Police kung konektado ang mga nakuhang bungo sa kaso ng mga missing sabungero.

“Kung ano po yung magiging result ng nakuha sa Batangas at dito sa amin, siyempre po subject [to] DNA testing kung magmamatch sa standard ng mga pamilya nung missing sabungero tsaka po iaano sa amin…kung makakatulong po yung imbestigasyon namin puwede rin po kaming magsubmit,” sabi ni Antimaro.

Iimbestigahan din kung may kinalaman ito sa paggamit ng mga buto sa pag-aaral ng medisina. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here