Home METRO 5 CAFGU patay, 2 sundalo sugatan sa pananambang

5 CAFGU patay, 2 sundalo sugatan sa pananambang

730
0

TAGKAWAYAN, Quezon- Patay ang limang kasapi ng Civilian Armed Force Geographical Unit (Cafgu) habang dalawng sundalo ang sugatan matapos umanong tambangan ng mga hinihinalang rebeldeng New People’s Army (NPA) kaninang umaga sa bayang ito.

Ayon kay Army Colonel Dennis Cana, Armed Forces Southern Luzon Command public information officer, hindi na muna ipinagbigay-alam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing Cafgu at sugatan na mga sundalo mula 85th Infantry Battalion PA.

Batay sa report, bandang alas-11 ng umaga nitong Biyernes naganap ang pananambang sa Barangay Mapulot ng naturang bayan.

Sinabi naman ni Colonel Ledon Monte, hepe ng Quezon-PNP, nagpapatrulya ang grupo ng mga sundalo at Cafgu na nakatalaga sa Sitio Pag Asa, Mapulot sa boundary ng Quezon at Labo, Camarines Norte nang maapakan ng isa sa mga tropa ng pamahalaan ang bomba na itinanim ng mga NPA sa nasabing lugar.

Dahil sa pagsabog ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang limang Cafgu na nagresulta ng kanilang kamatayan habang nasugatan naman ang dalawang sundalo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng grupo. Mary Anne Sapico

Previous articleKorea Visa Application Center Manila binuksan na 
Next articleOil price hike nakaamba

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here