Home METRO 5 Chinese nat’l arestado sa pagpapanggap na Pinoy

5 Chinese nat’l arestado sa pagpapanggap na Pinoy

309
0

LAGUNA, Philippines – Nadakip ang limang Chinese national matapos umanong magpanggap na mga Filipino sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng CIDG Laguna Provincial Field Unit kasama ang CIDG Regional Field Unit 4A, Military Intelligence Group 4A, Bureau of Immigration (BI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at mga lokal na yunit ng pulisya, iniulat kahapon sa San Pedro City.

Ayon kay PMGen. Robert Morico II, ang limang naaresto ay kinilala sa mga pangalan “Chen,” 37; “Li,” 32; “Cai,” 20; “Junqiu,” 46; at “Ping,” 35 — pawang residente ng Barangay San Antonio.

Batay sa report, bandang 8:55 a.m. hanggang 12:30 p.m., isinagawang ang operasyon sa ilalim ng pagpapatupad ng BI Mission Order 357 sa Barangay San Antonio, ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Morico II, ang mga suspek ay lumabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa umano’y Undesirability, matapos magpanggap bilang mga Pilipino at itinuturing na banta sa pambansang seguridad, pampublikong interes, at kaayusan.

Natuklasan din na sila ay nagpatakbo ng negosyo nang walang kaukulang dokumento at permit.

Sa ngayon isinailalim ang mga suspek sa kaukulang dokumentasyon ng CIDG RFU 4A bago sila itinurn-over sa Bureau of Immigration para sa inquest proceedings at iba pang nararapat na hakbang. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here