Home NATIONWIDE 5 dam sa Luzon nagpapakawala pa rin ng tubig

5 dam sa Luzon nagpapakawala pa rin ng tubig

276
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang limang dam sa Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.

Ayon sa PAGASA, nagpapakawala ang Angat Dam, Ipo Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, at Magat Dam.

Ang Angat Dam ay mayroong tatlong gate na nakabukas sa 3-0 metrong lawak at naglalabas ng 464.00 cubic meters per second na tubig.

Tatlong gate naman ang nakabukas sa Ipo Dam sa 3.5 metrong opening at nagpapakawala ng 417.00 cms na tubig.

Mayroon namang anim na gate na may 3.0 meter opening ang Ambuklao Dam at nagpapakawala ng 425.10 cms ng tubig.

Samantala, ang Binga Dam ay may anim na gate na nakabukas sa 3.5 meter opening at naglalabas ng 432.85 cms na tubig.

Habang ang Magat Dam ay may limang gate na nakabukas sa 9.0 metro at nagpapakawala ng 2,144 cms ng tubig. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here