Manila, Philippines – Sa guesting ni Nadine Lustre sa “Ang Walang Kuwentang Channel” nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, aliw na binalikan ng aktres ang kwento sa likod ng kanyang viral photo kung saan ay may hawak siyang kilalang brand ng sarsa.
Noong time na raw na ‘yun ay kumakain pa si Nadine ng manok at bumili pa siya ng sauce sa tindahan para perfect combo sa kanilang pagkain matapos ang ginawang water activity.
“After naming mag-surf ni Chris, ‘yung boyfriend ko, marami kasi sa Siargao ‘yung mga stalls ng lechong manok, ‘yun ‘yung una naming nakita. So sabi ko parang hindi complete ‘yung lechon manok nang walang sarsa.
“So nagpunta ako sa tindahan, naghanap ako ng sarsa.
“Nakakatawa ‘yun kasi nakita ko na nagpi-picture ‘yung ate girl sa likod ng cashier,” sabi ni Nadine.
Noong panahong ‘yun daw ay sobrang pagod na siya at hindi na nag-abala pang sawayin ang babaeng kumuha ng kanyang larawan.
“Sa sobrang pagod ko, sabi ko, ‘Sige na nga.’ Kaya ganon itsura ko, e. Mukha akong nalugi kasi pagod na pagod ako,” aniya pa. Rommel Placente