MANILA, Philippines – Lima sa mga dating tauhan ni dating congressman Zaldy Co ang tetestigo sa bail hearing ni Leyte Rep. Martin Romualdez, ayon kay Atty. Levito Baligod nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Si Romualdez at Co ay nahaharap sa reklamong plunder sa Sandiganbayan sa umano’y mahigit P7.4 bilyong kickback scheme mula sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ang bail hearing ni Romualdez na ngayon ay naka-detain sa Quezon City Jail, ay itinakdang magsimula sa Oktubre 12.
“They [former personnel] have less than two weeks to prepare,” ani Baligod.
Sinabi ni Baligod na naninindigan ang mga tauhan ni Co sa kanilang pahayag at handang magpasa ng kanilang mga cellphone para sa forensic examination.
“Pinapanindigan lang namin ‘yung mga kailangan sa amin din. Halimbawa, the need to conduct forensic examination on the cellphones na ginamit sa pagkuha ng picture [of evidence] et cetera,” ayon pa kay Baligod.
“Sabi namin, para kuntento kayo, we are willing to submit the cellphones to forensic examination,” dagdag pa ng abogado.
Mayroon din umanong hakbang para kumbinsihin ang mga dating tauhan ni Co na bawiin ang testimonya. RNT/JGC