Home METRO 5 durugista arestado sa drug den

5 durugista arestado sa drug den

264
0

MANILA, Philippines – NADAKIP ng Philippine Drug Enforcement Agecy (PDEA) ang limang durugista matapos salakayin ang isang drug den sa San Jose Del Monte, Bulacan, Huwebes ng gabi, Agosto 7.

Kinilala ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang mga inaresto na sina Emerson Centeno, 46 anyos, residente ng Brgy. Kaypian Proper, SJDM, Bulacan; Ryan Joseph Papina, 40, ng Brgy. Francisco, SJDM, Bulacan; Abdul-Hadrame Bantuas, ng Brgy. Sudapin, Kidapawan City; Christian Jay Villanueva, 28, ng Elfaville, Brgy. Kaypian Proper, SJDM, Bulacan at Renato Mata, 43, nakatira sa Brgy. Kaypian Proper, SJDM, Bulacan.

Napag-alaman na isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Kaypian matapos mayroon magbigay ng impormasyon na ang isang bahay ay ginawang drug den.

Isang ahente ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska sa lima ang 15 gramo ng shabu na may halagang P102,000 at iba’t-ibang drug paraphernalia gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz

Previous articleAksyon ni PBBM sa Ayungin Shoal incident suportado ng liderato ng Kamara
Next articlePamantayan sa paglikha ng logo, official seals sa gobyerno, ikinasa sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here