Home NATIONWIDE P70M lotto jackpots mailap!

P70M lotto jackpots mailap!

MANILA, Philippines – Walang naitalang manlalaro na nanalo sa  alinman sa malaking lotto draw na ginanap nitong Huwebes ng gabi, Mayo 9, 2024.

Hindi natumbok ang winning combinations  para sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga winning digits para sa Super Lotto 6/49 ay 10-13-06-09-39-04. Ang jackpot ay nasa P15,840,000.

Ang winning digits naman para sa Lotto 6/42 ay 15-06-33-18-16-13. Ang premyo ay P54,456,731. RNT