Home NATIONWIDE 5 gun ban violators nabingwit sa checkpoints

5 gun ban violators nabingwit sa checkpoints

282
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Manila Police District Director P/Brig. General Andre Dizon na mayroon nang ilang nahulihan ng baril kaugnay sa election gun ban sa kanilang mga checkpoint sa lungsod ng Maynila.

Sa panayam sa heneral, sinabi niya na may lima nang naaresto simula nang maglagay ng mga checkpoints noong Agosto 27 ng gabi.

Aniya, mayroon nang dalawang baril at tatlong deadly weapons na silang nakumpiska na undocumented.

Kaugnay nito, nang tanungin si Dizon kasabay ng pagdiriwang ng National Press Freedom Day nitong Miyerkules kung pabor ang kapulisan na i-broadcast ng mamamahayag ang pagsasagawa ng checkpoin, sinabi niya na ito kasama na sa malayang pamamahayag.

“Hindi naman po natin mapigil ‘yun kasi open space po yun, kasama na po yun sa malayang pamamahayag ,nirerespero natin yun” , pahayag ni Dizon.

Ayon kay Dizon, tuloy-tuloy ang kanilang random checkpoints habang umiiral ang election period. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePanloloko ng money couriers, pananagutin ng Senado
Next articlePanibagong panloloko, propaganda ng China sa 10-dash line, inupakan ni Hontiveros

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here