MANILA, Philippines – Matinding inupakan ni Senador Risa Hontiveros ang panibagong panloloko at propaganda ng China hinggil sa 10 dash line na umaangkin sa buong West Philippine Sea (WPS) na pag-aari ng Pilipinas.
Sa pahayag, sinabi Hontiveros na tuluyan nang naging dilussional ang China sa ipinalabas ng “2023 standard map” na nagpapakita ng 10-dash-line na umaangkin sa West Philippine Sea bilang bahagi ng Chinese territory.
“China is delusional. Wala na sa huwisyo itong Tsina. Kung ano-ano nalang ang ginagawa para mang-angkin ng mga teritoryong hindi naman sa kanya. This ‘map’ is Beijing’s desperate attempt to assert its lies and propaganda,” ayon kay Hontiveros.
The “standard map” released by Beijing’s state-owned newspaper, Global Times, lays claim to a large part of the South China Sea, including the Philippines’ Exclusive Economic Zone in the West Philippine Sea. The “map” also emphasized Taiwan as well as India’s northeastern state of Arunachal Pradesh and Aksai Chin region as part of China’s domain.
Dahil dito, hiniling ni Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na maghain ng protesta laban sa “panaginip” ngChina na pag-aari nito ang 200 nautical miles ng Pilipina na sinang-ayunan ng International Arbitral Tribunal sa The Hague noong 2016.
“India has already lodged a protest against China for issuing this ridiculous map. Umaasa ako na ang ating Department of Foreign Affairs (DFA) ay maghahain din ng diplomatikong protesta laban dito. Kung mas maraming mga bansa ang tumutol sa mapang ito, mas maitutuwid natin ang kasinungalingan ng Tsina,” ayon sa senador.
Binanggit ni Hontiveros na noong Hunyo 7, 2013, iniulat na nagbigay ng confidential note verbale ang ahensiya sa Chinese Embassy sa Manila na nagpoprotesta sa ipinalabas na “10-dash-line map” ngayong taon. Dapat gawin ulit ito ng DFA.
Hinilingdin ni Hontiveros sa DFA na makipag-koordinasyon sa National Resource and Mapping Authority (NAMRIA) upang magkaroon ng update sa mapa na malinaw na nagpapakita ng Exclusive Economic Zone, continental shelves, at territorial seas sa West Philippine Sea.
“Isang dekada na ang nakalipas, hindi pa rin natatauhan ang Tsina. We know that China is a master manipulator, willing to bend the truth for her own gain, at the expense of countries like ours. China will continue to spread fake news, fund pro-Beijing mouthpieces, and distribute propaganda materials. We must push back. We must not rest until China stops her absurdity,” ayon kay Hontiveros. Ernie Reyes