Home METRO 5 nalunod sa Laguna, Batangas at Quezon

5 nalunod sa Laguna, Batangas at Quezon

MANILA, Philippines – Lima katao, kabilang ang tatlong bata, ang nalunod sa magkakahiwalay na insidente sa Laguna, Batangas at Quezon nitong Linggo, Abril 28.

Ayon sa Police Region 4A (PRO-4A) sa ulat nitong Lunes, isa sa mga nasawi ay si Rachel Asestre, 24, na naligo sa Bunga Falls sa Barangay Bunga sa Nagcarlan, Laguna, kasama ang mga katrabaho sa pabrika.

Bandang alas-4 ng hapon, napansin ng mga kaibigan ni Asestre na nawawala ito kaya humingi na ng tulong sa mga tanod.

Isang oras ang nakalipas, narekober ang katawan ni Asestre at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, nasawi si Sean Cartina, 6, nang mag-outing ito kasama ang kanyang pamilya sa resort sa Barangay Bangyas sa Calauan, Laguna.

Napansin din ng pamilya ni Sean na bigla na lamang itong nawala habang nasa children’s pool.

Nakita na lamang ng kanyang ama ang bata na wala nang malay sa ilalim ng pool. Dinala sa pinakamalapit na ospital si Sean ngunit nasawi rin.

Bukod sa dalawa, may nasawi rin sa Malvar, Batangas at Lemery, Batangas dahil sa insidente ng pagkalunod. RNT/JGC