Home METRO 5 Nigerian national pinaghahanap sa pagkuyog sa lalaki sa Cavite

5 Nigerian national pinaghahanap sa pagkuyog sa lalaki sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Limang Nigerian national ang hinahanap ng owtoridad kaugnay sa pananakit at pagpalo sa ulo ng isang lalaki sa Noveleta, Cavite.

Nakikipag-ugnayan ngayon ang pulisya sa Nigerian Embassy hinggil sa insidente at pagbabanta ng mga suspek.

Ayon sa biktimang si alyas Preci, bandang alas-12:05 ng hapon noong Agosto 20, 2026 naganap ang insidente kung saan binantaang sasaktan ng mga suspek ang biktima kung hindi siya lalabas ng kanilang bahay sa Barangay San Rafael ng nasabing bayan.

Nang lumabas ang biktima ay nagkaroon ito ng mainitang pagtatalo hanggang sa nauwi nang paluin siya ng bote ng alak ng isa sa limang suspek.

Kaagad namang umalis ang suspek matapos isagawa ang insidente at dito na humingi ng tulong ang kanyang live-in parter na agad na naisugod sa ospital kung saan nilapatan ng lunas.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek at sa posibleng kinaroroonan ng mga ito.

Kasong Grave Coercion at Frustrated Homicide ang kinahaharap ng limang Nigerian national. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here