CAVITE, Philippines – Limang (5) pinaniniwalaang mga miyembro ng “Acetylene Gang” na responsable sa mga panghoholdap ng malalaking establisiyemento sa buong Calabarzon, ang naaresto ng Cavite Police sa Brgy Biclatan, Gen Trias City, Cavite.
Ayon sa nakalap na report, nakatanggap ng impormasyon ang Gen. Trias City Police Sector 2 mula sa isang concern citizen kaugnay sa 5 kalalakihan na armado ng maiiksing baril na umaaligid sa panulukan ng Crisanto M delos Reyes Ave Brgy Bilclatan, tapat ng J&T nasabing lugar.
Dito mabilis na rumesponde ang Gen Trias Police kasama ang Intelligence operatives, RID 4A special team, RIT Cavite, PIU CPPO, IMEG, DI sa lugar at dito naabutan ang isa sa mga suspek na pasakay na sana sa puting Ford Ranger na may plate number AA 5565.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa mga alyas na Jef, 57 anyos, residente ng Quirino, Ilocos Sur, alyas Morris, 54 anyos, residente ng Kenon Road, Brgy. Camp 7, Baguio City, alyas Crisanto, 41 anyos, residente ng Quirino, Ilocos Sur, alyas Sotiro, 49 anyos, residente ng General Santos City, North Cotabato at alyas Raymond, 33 anyos, residente ng Quirino Ilocos Sur.
Base sa salaysay ng mga nakakita sa lugar, armado ang isa ng maiksing baril na nakasuksok sa bewang sa patuloy na pagsisislyasat ng pulisya may 4 pang kalakihan na sakay ang nasabing sasakyan at ibat ibang uri ng armas at mga bala.
Nakumpiska sa mga ito ang isang 9MM pistol na kargado ng magazine at 15 bala, 1 Caliber 38 revolver na may 6 na bala, 1- 12-gauge shotgun na may 6 na bala, 7 selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mga marijuana leaves na may timbang na 3 gramo at 1 hand grenade.
Ayon sa Cavite Police kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng follow up para sa umanoy may mga kasamahan pa ng grupo sa lugar na pagala gala sa lugar. MARGIE BAUTISTA