Home METRO 5 NPA tigok sa bakbakan sa Iloilo

5 NPA tigok sa bakbakan sa Iloilo

ILOILO CITY – Patay ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sunod-sunod na bakbakan sa tropa ng gobyerno sa Calinog, Iloilo nitong Huwebes.

Ang tatlong magkakasunod na engkwentro sa pagitan ng 12th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga miyembro ng Regional Headquarters at Central Front, Komiteng-Rehiyon Panay ng NPA sa Barangay Aglonok ay nagresulta din sa pagrekober ng dalawang M16 rifles, isang grenade launcher, dalawang bala para sa M203, isang anti-personnel mine at mga subersibong dokumento.

Ang mga napatay ay pinaniniwalaang mga tumatakas na miyembro ng mga grupo na nakipagsagupaan sa mga tropa ng gobyerno sa parehong baryo noong Agosto 5. Isang opisyal ng NPA ang namatay sa engkwentro na iyon.

“Itong mga mapagpasyang operasyong pangkombat ay magpapatuloy hanggang sa lansagin natin ang huling natitirang larangang gerilya ng CTG (komunistang teroristang grupo) sa Panay. Ang pagbuwag sa Central Front ay bahagi ng ating pagsisikap na lumikha ng isang sona ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) para sa lahat. Panaynons,” sabi ni 3rd Infantry Division commander Maj. Gen. Marion Sison sa isang pahayag noong Biyernes. Santi Celario