Home NATIONWIDE Pambu-bully ng China sa PAF plane kinondena ng Kamara

Pambu-bully ng China sa PAF plane kinondena ng Kamara

MANILA, Philippines – Kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang ginawang pagpapahamak ng dalawang Chinese fighter jets sa Philippine Air Force (PAF) plane na nagsasagawa ng routine patrol sa Bajo de Masinloc na nasa hurisdiksyon ng Pilipinas.

“This latest aggressive action of China does not promote peace and stability in the West Philippine Sea and in the region. It does not speak well of a country trying to be a world power and leader,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez anumang alingasngas sa pagitan ng dalawang bansa ay kailan hindi mareresolba kung ang isa ay gagawa ng panghaharass at pambu-bully.

“We support our personnel and we thank them for their courage, bravery and patriotism for protecting our national territory and sovereignty,” ani Romualdez.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na ang dalawang Chinese fighters ay gumawa ng “dangerous maneuvers” na naglagay sa alanganin sa PAF plane at sa mga sakay nitong crew.

Matapos ang naturang ” air incident” ay ligtas naman na nakabalik ang eroplano sa Clark Air Base sa Pampanga.

Kasunud ng insidente ipinahayag ng China na dapat itigil na ng Pilipinas ang pagpasok sa Bajo de Masinloc ngunit iiginiit ni Romualdez na walang legal basis ang posisyon ng China.

“They should not insist on this baseless claim. It is against the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), to which both the Philippines and China are signatories. The Philippines is entitled to a 200-mile exclusive economic zone under UNCLOS” paliwanag ni Romualdez.

Ang Bajo de Masinloc ay 120 nautical miles mula sa Luzon kaya malinaw na nasa loob ito EEZ habang nasa 594 nautical miles ang Masinlo mula sa China Hainan Island. Gail Mendoza