Home HOME BANNER STORY 5 patay, 7 sugatan kay Aghon!

5 patay, 7 sugatan kay Aghon!

MANILA, Philippines – Lima ang naitalang patay habang pito ang sugatan dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes, May 27.

Sa kabilang banda, sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na patuloy pa rin ang pag-validate ng mga nasawi.

“Opisyal, wala pang casualties na may kinalaman kay Aghon. Pero sa kasamaang palad, may lima. Isang bata sa Calabarzon, isa sa Region X…at 3 sa Calabazon.. Itong lima is still for validation,” ani Posadas

Base sa situational report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 8,465 pamilya o 19,373 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Nag-displace din ni Aghon ang 5,343 katao kung saan marami sa kanila ay nananatili sa 81 evacuation centers na itinayo ng gobyerno.

Nagdulot din ng pagbaha ang bagyo sa 13 lugar sa rehiyon ng Mimaropa at Eastern Visayas, at nasira ang 22 bahay, apat sa mga ito ang buo.

Idineklara na rin ang state of calamity sa Lucena City, Quezon.

Sa kabilang banda, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagbigay ito ng P5 milyong halaga ng standby funds sa Calabarzon, isa sa mga rehiyong pinakanaapektuhan ng Aghon.

Ayon pa kay DSWD Disaster Response Management Bureau Director Michael Christopher Mathay na mahigit 40,000 food packs na nagkakahalaga ng P29 milyon at iba pang food at non-food items na nagkakahalaga ng P35 milyon ang naipamahagi din sa rehiyon. RNT