Home HOME BANNER STORY 5 patay sa baha sa Palawan

5 patay sa baha sa Palawan

MANILA, Philippines – Lima ang naitalang nasawi matapos ang pananalasa ng matinding baha at malakas na ulan dahil sa shear line sa Palawan.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Jerry Alili, kabilang sa mga nasawi ang mga pasahero ng shuttle van na bumibiyahe mula Bataraza patungong Puerto Princesa City na tinangay ng malakas na baha.

“As they were crossing the boundary of Aborlan and Puerto Princesa, their vehicle stalled in the middle of a flooded road and was swept away,” ani Alili.

Sakay umano ng van ang 12 pasahero. Pito ang nailigtas dito at nagpapagaling na sa ospital.

“We have recovered five bodies from the van. Three were found yesterday, and this morning, our responders retrieved the last two,” dagdag ni Alili.

Sa datos, nakatanggap ang Palawan ng 341 millimeters ng ulan sa loob lamang ng 24 oras.

Ang malalakas na ulan na ito ay dulot ng shear line.

“This was record-breaking rainfall for Puerto Princesa and Southern Palawan. The rainfall in Puerto Princesa was almost the same as what was received in the municipalities of Southern Palawan,” anang opisyal.

“We received 341 millimeters of rain within 24 hours. That’s 12 times the usual monthly allocation, all poured down in just one day,” dagdag pa niya.

Kaugnay ng malawakang baha, nasa 2,044 pamilya ang pwersahang inilikas na kasalukuyan ay tumutuloy sa mga evacuation center. RNT/JGC