Home HOME BANNER STORY 5 patay sa pagbulusok ng bus sa bangin sa CamSur

5 patay sa pagbulusok ng bus sa bangin sa CamSur

265
0

MANILA, Philippines — Limang pasahero ang nasawi habang mahigit 20 pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Rolando Andaya Highway sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur madaling-araw ng Biyernes, Disyembre 26.

Ayon kay Bicol Police spokesperson Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, patungong Sorsogon mula Quezon City ang DLTB bus nang mawalan ito ng kontrol bandang alas-3:25 ng madaling-araw at tumilapon sa humigit-kumulang 10 metrong lalim na bangin sa Barangay Magais-I.

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nakatulog ang 48-anyos na driver na residente ng Parañaque City dahilan upang sumadsad ang bus sa gilid ng kalsada.

Nasa 22 pasahero ang nagtamo ng iba’t ibang sugat tulad ng galos, hiwa, pananakit ng dibdib at likod, at mga pinsala sa ulo. Agad silang isinugod sa mga karatig-ospital upang mabigyan ng kaukulang lunas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here