Home ENTERTAINMENT Uge, na-bash sa OOTD sa kasal nina Kiray-Stephan!

Uge, na-bash sa OOTD sa kasal nina Kiray-Stephan!

326
0

Manila, Philippines – Keber!

Ito lang ang ganting pananaray ni Eugene Domingo sa mga nang-ookray sa kanyang kasuotan sa kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia.

“Standout” nga ang komedyana sa march bilang isa sa mga tumayong ninang, in the sense that she defied the color motif.

Yellow kasi ang motif but Uge wore a brown gown.

Bukod dito, naka-step in lang siya sa halip na formal shoes to match the gown.

Kapansin-pansin ding walang kaayus-ayos ang kanyang buhok na may nakatikwas pa.

Besides, Uge hardly wore makeup.

Dahil doon kung kaya’t she got bashed.

May mga dumpensa naman kay Uge, saying na never niyang naging ugali to doll herself up sa mga ganoong okasyon.

Ang mas mahalaga naman daw, she showed up at the wedding.

At may hihigit pa daw ba sa isang ninang na sinserong ipinagdarasal ang magandang pagsasama ng mga ikakasal, kesa sa bongga ngang manamit pero hindi bukal sa kalooban ang kanilang wish for the couple?

Ang pagiging “underdressed” daw ni Uge only meant she simply let the couple enjoy their moment–dahil sina Kiray at Stephan naman talaga ang bida, hindi ang mga nasa entourage o attendees.

Oo nga naman. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here