Home NATIONWIDE Torre nanumpa na bilang bagong GM ng MMDA

Torre nanumpa na bilang bagong GM ng MMDA

325
0

MANILA, Philippines – WALA na talagang atrasan ang pag-upo ni dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III bilang bagong General Manager (GenMan) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito’y matapos na personal na manumpa sa kanyang bagong tungkulin si Torre sa harap ni Executive Secretary Ralph Recto, Biyernes ng umaga, Disyembre 26.

Matatandaang, isang linggo pa lamang ang nakalilipas, napaulat na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Torre III bilang bagong general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Papalitan ni Torre sa puwesto bilang GM ng MMDA si Procopio Lipana.

Inalis si Torre sa puwesto bilang hepe ng PNP noong nakaraang Agosto, na kabilang umano sa mga dahilan ayon kay Remulla ay hindi niya pagsunod sa direktiba ng National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay sa reassignment ng ilang opisyal ng PNP.

Sa pag-alis kay Torre, hinirang ni Marcos na acting PNP chief si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr.

Gayunman, nananatili ang pagiging 4-star general ni Torre, na mas mataas sa 3-star general na si Nartatez.

Hindi maipo-promote si Nartatez bilang 4-star general hangga’t hindi nagbibitiw sa puwesto o kaya ay maagang magretiro si Torre.

Sa Marso 2027 pa ang mandatory retirement age na 56 ni Torre. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here