Home NATIONWIDE 5 patay sa strike ng Israel sa Lebanon

5 patay sa strike ng Israel sa Lebanon

3
0

LEBANON – Lima ang nasawi matapos maglunsad ng air strike ang Israel sa southern Lebanon nitong Sabado, Hunyo 20.

Ito ay ilang oras lamang matapos ianunsyo ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah group.

Sinabi ng state news agency na NNA na naglunsad ang Israeli warplanes at drones ng serye ng strike sa Nabatieh area na sumira sa mga gusali at tirahan.

Pinaulanan din ng Israeli artillery ang Nabatieh at mga kalapit na lugar nito.

Matatandaan na nagkasundo ang Israel at Hezbollah sa ceasefire noong Biyernes.

Kinumpirma ng senior Israeli official at dalawa pang source ng Hezbollah ang naturang kasunduan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here