Home HOME BANNER STORY 5 persons of interest sa likod ng fake posts matapos Senate shooting,...

5 persons of interest sa likod ng fake posts matapos Senate shooting, kinumpirma ng DICT

58
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Huwebes na natukoy nila ang limang persons of interest na umano’y nasa likod ng mga social media posts na nagpapakalat ng maling impormasyon at nag-uudyok ng karahasan kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, agad na nag-activate ng monitoring operations ang ahensya kasama ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) matapos ang kaguluhan sa Senado.

“Ang ginagawa nila is maghikayat ng mga tao, through false information, na pumunta sa Senado tapos makigulo,” ani Aguda.

Nilinaw niya na protektado ang freedom of expression, ngunit may hangganan ito kapag nauuwi sa panawagan ng karahasan.

“Lilinawin namin — political speech, freedom of expression, pino-protektahan po natin ‘yan. Isa po ‘yan sa mga rights natin. Pero pagka nagtatawag ka na ng away, medyo may problema tayo doon,” dagdag niya.

Ayon sa DICT, nakikipag-ugnayan na rin sila sa social media platforms na may mga community standards laban sa content na nag-uudyok ng violence, at agad umanong tinatanggal ang mga ganitong post.

“Ang procedure po ng social media platforms, tinatanggal ‘yun. Bawal po ‘yan,” ani Aguda.

Dagdag pa niya, dini-document din ang mga post para magamit sakaling magsampa ng kaso sa hinaharap.

Posible rin umanong maharap sa kaso ang mga nasa likod ng posts.

“Oo naman… with the appropriate case siyempre,” aniya nang tanungin kung may kaukulang kaso.

Sinabi rin ni Aguda na may mga abogado sa kanilang monitoring team na tumutulong sa pag-assess ng mga online content bago ito i-refer sa mga law enforcement agencies.

Nagpaalala rin ang DICT sa publiko na maging mapanuri sa impormasyon online, lalo na sa pagkalat ng deepfakes at manipulated content, at umasa lamang sa mga verified na balita. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here