Home HOME BANNER STORY 5 preso ‘di na umabot sa kulungan sa naaksidenteng police mobile sa...

5 preso ‘di na umabot sa kulungan sa naaksidenteng police mobile sa Payatas

137
0

MANILA, Philippines – Patay ang limang persons under police custody (PUPC) sa aksidente sa kalsada sa Barangay Payatas, Quezon City nitong Biyernes, Abril 24.

Ayon sa QC government, ang mga biktima ay sakay ng police mobile na patungong Payatas City Jail nang mangyari ang aksidente.

Agad namang rumesponde ang mga emergency at health personnel at dinala ang mga biktima sa ospital.

Nasawi ang limang PUPC at nananatiling kritikal ang isa.

Samantala, nagpapagaling naman ang apat na pulis.

Nakiramay ang QC LGU sa pamilya ng mga biktima at nangakong sasagutin ang hospital at burial expenses ng mga biktima.

Magbibigay din ito ng psychosocial support at counseling sa iba pang mga biktima.

Makikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa iba pang ahensya para sa imbestigasyon ng insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here