Home NATIONWIDE 5 rain catchment facilities target ng MMDA sa unang bahagi ng 2027

5 rain catchment facilities target ng MMDA sa unang bahagi ng 2027

1
0

MANILA, Philippines – Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makumpleto sa unang bahagi ng 2027 ang unang limang rain catchment facilities sa National Capital Region.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni MMDA Chair Romando “Don” Artes na ang mga pasilidad ay matatagpuan sa Camp Aguinaldo, Miriam College, at University of the Philippines (UP) Sunken Garden sa Quezon City, maging sa Remedios Circle at Rajah Sulayman sa Maynila.

Ang rain catchment facilities ang kokolekta, magsasala at mag-iimbak ng tubig-ulan mula sa mga bubong at open ground para magamit kalaunan o para sa flood control.

“Iyong five priority projects na ipi-present po namin kay ES [Executive Secretary Ralph Recto] this Thursday lima lang po iyong ipi-present namin na tingin namin kaya namin tapusin by June 2027 pero the rest po nitong 39 kung masisimulan po I think we can finish naman po within the year by December 2027,” ani Artes.

Nakumpleto na ang feasibility study para sa aplikasyon ng nature-based solutions sa Metro Manila sakop ang kabuuang 39 rain catchment sites.

“Iyong Haskoning mismo ang nag-determine na ito pong 39 sites na ito again out of 107 iyong napili dahil ito po ay efficient at makakatulong po talaga sa pagma-manage ng baha doon po sa lugar kung saan sila itatayo,” sinabi pa ni Artes.

Ang Haskoning ay isang international consulting engineering firm na nagbibigay ng disenyo, pagpaplano, at sustainability solutions para sa built at natural environment.

Siniguro na rin ng Asian Infrastructure Investment Bank ang $200-million loan sa pamahalaan para sa proyekto.

Aniya, ang mga site ay pinili sa tulong ng mga local government unit (LGU), na tumukoy sa mga lugar na prone sa pagbaha at mga lugar kung saan posibleng maitayo ang mga pasilidad na ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here