Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa proteksyon ng manggagawa sa banta ng kalamidad, aprub sa Kamara

Pagpapalakas sa proteksyon ng manggagawa sa banta ng kalamidad, aprub sa Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan sa huling pagbasa ng Kamara ang panukalang magpapalakas sa kaligtasan ng mga manggagawa laban sa climate-related threats at mga panganib.

Sa 256 mambabatas na bumotong pabor sa panukala, pinalalakas ng House Bill No. 10559, ang Occupational Safety and Health (OSH) standards sa pag-integrate ng climate-adaptive measures.

Nagpapataw din ang panukala ng mas mahigpit na parusa sa OSH “gross violations thereof” na magdadala ng banta sa buhay ng manggagawa.

Nauna nang inisponsoran ng House Committee on Labor and Employment ang hakbang dahil sa paiba-ibang panahon na nagdudulot din ng banta sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa lalo na ang mga nasa outdoor settings ng trabaho.

“For construction workers exposed to intense heat and employees who must report for work amid heavy rains and severe weather, climate change is no longer an abstract issue but a danger they confront in earning their livelihood,” sinabi ni House Committee on Labor and Employment Chairperson Ramon Jolo Revilla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here