Home NATIONWIDE Maison Bukana cleared sa alegasyon; DENR-PRA fact-finding walang nakitang sapat na basehan

Maison Bukana cleared sa alegasyon; DENR-PRA fact-finding walang nakitang sapat na basehan

1
0

MANILA, Philippines – Walang nakitang sapat na basehan ang fact-finding investigation ng Department of Environment and Natural Resources at Philippine Reclamation Authority (DENR-PRA) sa mga alegasyon ng illegal reclamation at iba pang paglabag laban sa Maison Bukana resort sa Siargao.

Ayon sa may-ari nitong si Christophe Bariou, hawak niya ang kopya ng findings ng mga ahensya na nagsasabing walang reclamation na isinagawa ang resort at hindi rin ito lumampas sa hangganan ng ari-arian.

“The accusation travelled fast. The truth took months,” ani Bariou sa kanyang Instagram post.
Sinabi niya na ang resulta ng imbestigasyon ay mahalaga upang maitama ang mga naunang alegasyong kumalat laban sa resort bago pa man makumpleto ang opisyal na fact-finding.

Iginiit din ni Bariou na dapat maging patas at responsable ang paggamit ng government enforcement mechanisms at media scrutiny, lalo na sa mga kasong maaaring makaapekto sa reputasyon ng mga indibidwal at negosyo.

“Government power, environmental enforcement, and media scrutiny must be applied fairly and accountably to everyone,” aniya.

Nanawagan din siya sa mga media organization na nag-ulat ng mga alegasyon na itama o i-update ang kanilang mga naunang ulat batay sa resulta ng fact-finding.

“A free press is essential to democracy. A responsible press is essential to public trust. Those who hold others accountable must also be willing to correct themselves. If an accusation deserves a headline, the truth deserves one too,” sinabi ni Bariou.

“Let the evidence speak,” pagtatapos niya.
RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here