Home NATIONWIDE 5 rapist na top most wanted sa Isabela, himas rehas

5 rapist na top most wanted sa Isabela, himas rehas

134
0

ECHAGUE, Isabela – Himas rehas na ngayon ang limang (5) akusado sa panggagahasa na tinaguriang Top Most Wanted Person o TMWP sa magkakahiwalay na pagsisilbi ng warrant of arrest ng pulisya sa limang bayan dito sa nabanggit na probinsya.

Sa direktiba ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na paigtingin sa pagtugis sa mga kriminalidad at pag-aresto sa mga nagkasala sa batas para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Naaresto ang isang helper na si alyas Rogelio na binansagang Top Most Wanted Person No.9 Provincial Level sa kasong paglabag sa RA 7610 at Statutory Rape sa Arabiat, Echague, Isabela.

Bumagsak din ang isang magsasaka na si alyas Gael na binansagang No.7 Provincial Level Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa Brgy. Union Kalinga, Luna, Isabela.

Kulungan din ang bagsak ng isang notoryus na suspek na si alyas Mark na nasa TMWP number 9 sa Provincial Level matapos itong mapasakamay ng mga awtoridad sa Brgy. Bantug, Tumauini, Isabela

Napasakamay din ng mga kapulisan ng Isabela at Baguio City Police Station si alyas Balong tinaguriang No. 1 Most Wanted Person Station Level- Baguio City sa kasong Rape (3 counts) sa Brgy. Sta. Catalina, Quirino, Isabela at isang tricycle driver na si alyas Fernando na nahaharap sa tatlong magkakahiwalay na kaso. Ang nasabing suspek ay binansagang Top 7 Regional Level Most Wanted Person sa kasong Sexual Assault (2 counts), na may piyansang tig- P200,000 habang Statutory Rape (5 counts) at Rape (1 count) ay walang kaukulang piyansa na matagumpay na naaresto ng kapulisan sa ganap na ika-5:20 ng hapon sa Purok 4 Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Posibleng habang buhay na pagkabilanggo ang mga tinaguriang TMWP dahil parehas na walang inirekomenda na walang kaukulang piyansa. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here